Binondo-Intramuros Bridge bubuksan na sa Holy Week

Binondo-Intramuros Bridge bubuksan na sa Holy Week

March 4, 2022 @ 5:55 PM 4 months ago


MANIL,A Philippines – Matatapos na rin ang Binondo-Intramuros Bridge sa unang kalahati ng taon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Target itong buksan sa Holy Week, buwan ng Abril, kung saan magpapagaan sa daloy ng trapiko sa pagitan ng Binondo at Intramuros.

“As a friend, this is grant from the Chinese government and the design is very unique… You can see from here, that’s two arches joined together, symbolizing the kind of friendship, brotherly relationship between China and the Philippines… We move hand-in-hand, shoulder and shoulder, forward into a brighter future,” ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isinagawang inspection kasama si Undersecretary Robert Borje.

Ayon sa DPWH, ang nasabing proyekto ay ginastusan ng P3.39 bilyon.

Sa sandaling buksan, nasa 30,000 sasakyan ang maaring ma-accommodate kada araw at inaasahan makakabawas ng trapiko sa mga babagtas sa pagitan ng Binondo at Intramuros.

Sinabi ni Huang, na kabuuang limang tulay ang itatayo sa kahabaan ng Pasig River. Isa ang nakumpleto na habang tatlong iba pang tulay ang inaasahang makukumpleto sa susunod na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden