Binondo-Intramuros Bridge project bubuksan na sa Holy Week – DPWH

Binondo-Intramuros Bridge project bubuksan na sa Holy Week – DPWH

January 25, 2022 @ 6:18 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bubuksan na sa publiko sa Holy Week ang Binondo-Intramuros Bridge Project ng  Department of Public Works and Highway (DPWH) kung saan nasa 90 porsyento nang kumpleto ang bahagi ng proyekto.

Sinabi kay DPWH Secretary Roger G. Mercado ni  Undersecretary and Build Build Build (BBB) Chief Implementer Emil K. Sadain na ang  680 metro ng proyekto sa Pasig River ay malapit nang matapos at makumpleto.

Sinabi ni Mercado na labis siyang nasasabik sa pagbubukas ng iconic basket-handle tied steel arch bridge na inaasahang makakabawas sa oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga distrito ng Binondo at Intramuros.

Ipinatupad ng UPMO Roads Management Cluster 1 ang pinakabangong tulay sa Maynila na makikinabang sa humigit kumulang 30,000 sasakyaan araw-araw ay naagbibigaay ng dagdag na espasyo para sa mga pedestrian at nakalaang lane para sa mga bikers para sa pinabuting kaligtasan at kadaliaan ng daloy ng trapiko.

Ang P3.39 bilyon na proyekto ay pinondohan ng tulong ng gobyerno mula sa People’s Republic of China. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)