Bintang na malabnaw ang BBL, dinepensahan 

Bintang na malabnaw ang BBL, dinepensahan 

July 19, 2018 @ 5:10 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binalewala lamang ni Anak Mindanao Rep Amihilda Sangcopan ang kritismo na malabnaw ang binuong Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Sangcopam, mas mainam na huwag na lamang pansinin at palakihin ang puna ng ilamg sektor na watered down o malabnaw ang bersyon ng BBL na inaprubahan mg Bicameral Conference Committee.

Aminado si Sangcopan na hindi perpekto ang nabuong BBL subalit magsisilbi itong daan para sa pagtatataflg ng tunay na otonomiya para sa Bangsamoro people.

Ginawa umano ng Bicam ang lahat ng makakaya nito para maipaloob sa BBL ang hangarin ng Bangsamoro People, ngayong natapos na umano ito dapat hayaan na ang mga residete ng Mindanap na magbigay ng pinal na hatol dito.

Umaasa amg mambabatas na ngayong natapos na ang parte ng legislation au maguumpisa na ang tunay na trabaho para sa self governance sa Mindanao. (Gail Mendoza)