Binti ni McGregor nabali, na TKO ni Poirier

Binti ni McGregor nabali, na TKO ni Poirier

July 11, 2021 @ 2:42 PM 1 year ago


LOS ANGELES – Tinalo ni American brawler Dustin Poirier si Conor McGregor via technical knockout sa kanilang trilogy na ginanap sa Las Vegas matapos mabali ang  binti ng Irish fighter bago matapos ang opening round.

Opisyal na pinahinto ng doctor ang laban pagtapos ng first round matapos sumablay ang suntok ni McGregor at matumba patalikod kung saan naipit ang kanyang hita sa gilid ng octagon.

Agad naman dinaluhong ni Poirier ang walang kalabang-labang si McGregor, pinaulanan niya ito ng suntok at elbows hanggang ma-save si McGregor ng bell sa harap ng capacity crowd sa T-Mobile arena.

“This guy was saying he was going to murder me and kill me. I am going to leave here in a coffin,” ani Poirier.

“You don’t talk to people like that. I hope this guy gets home safe to his beautiful family.”

Ayon kay McGregor, may pangyayari talagang hindi mo inaasahan dahil hindi ito inexpect niyang magiging katapusan ng kanilang trilogy.

Dahil sa pangyayari, inaasahang magkakaroon pa ng pang-apat na laban.Rico Navarro