Bio-diversified fitness project ng BFP, TESDA, BFAR suportado ni TIANGCO

Bio-diversified fitness project ng BFP, TESDA, BFAR suportado ni TIANGCO

November 8, 2022 @ 11:16 AM 4 weeks ago


TODO-suporta si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa inilunsad na Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection, Technical Education and Skills Development Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy at active lifestyle sa mga bumbero ng lungsod.

Bilang paunang mga binhi ng proyektong ito, nagtanim sila ng lettuce at sili at nagsimulang mag-alaga ng tilapia.
Dagdag na school buildings

Pinangunahan ni Mayor JRT ang ground-breaking dalawang pang school buildings sa Tanza Elementary School at North Bay Boulevard Elem.

“We want to ensure the availability of enough classrooms to accommodate Navoteño students now that in-person classes in most of our public schools are already in full swing,” aniya.

Kamakailan lang ay nagkaroon din ng ground-breaking sa Navotas National High School, Daanghari, Tangos Elem. Schools, Kaunlaran High School, San Roque Elem. School at San Rafael Village Elem. School.

Noong isang taon, may 11 school buildings ang naitayo na sa Navotas at ito ay may kabuuang 128 classrooms.

Bagong Tangos Fire Sub-station

Pinasinayaan mismo ni Mayor JRT at binasbasan na rin ang bagong Fire Sub-Station sa Barangay Tangos North.
Ang lumang gusali ay pinalitan ng bago na mayroong tatlong palapag at mas modernong mga pasilidad.

Bahagi pa rin ito ng BFPModernization sa Navotas upang maging mas handa sa pag-responde ang ating mga bumbero sa anumang kalamidad o emergency, ayon pa sa alkalde ng Navotas.

Noon pa man ay suportado na ni Mayor JRT ang anomang proyekto at programa na batiud niyang makatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng kanilang mga residente.