Biometrics gamitin sa inbound foreigners – solon

Biometrics gamitin sa inbound foreigners – solon

March 13, 2023 @ 12:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Upang maiwasan na ang insidente ng pastillas scam, isinusulong ni Surigao Rep. Johnny Pimentel na gumamit ng biometric system para sa mga “inbound passengers” .

Ayon kay Pimentel sa tulong ng biometrics ay makikita agad ang pagpasok ng mga dayuhan at matutukoy ang mga iligal na papasok sa bansa.

Inatasan ng solon ang Department of Justice (DOJ) na siyang gumawa ng biometric border security plan na gagamitin ng Bureau of Immigration.

“The BI should start deploying biometric checks to verify the identities of foreign visitors and validate their entry or exit. We would urge the DOJ to work closely with the Department of Budget and Management (DBM) so that new appropriations for the BI’s biometric controls may be included in the 2024 national budget that Malacañang will submit to Congress in August,” pahayag ni Pimentel.

Aniya, sa pamamagitan lamang ng biometric ay maipatutupad nang mahigpit ang border protection dahil ang mga dayuhan na may kaso, illegal entry at may balak na gawin sa bansa ay agad na matutukoy.

Matatandaan na 45 immigration personnel ang nauna nang kinasuhan at dinismiss sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa pastillas scam kung saan tumatanggap ng suhol kapalit ng pagpapasok sa bansa sa mga illegal Chinese nationals.

Kung magkakaroon ng biometric ay hindi na umano ito mauulit dahil may sistema nang magtutukoy kung illegal o legal ang entry ng mga dayuhan. Gail Mendoza