BIR employee timbog sa pangingikil

BIR employee timbog sa pangingikil

February 1, 2022 @ 2:54 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) Dipolog District Office ang isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue Office –RDO 91 sa robbery extortion.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si
Renan Hechanova.

Ang pagkaaresto sa suspek ay bunsod ng reklamo ng isang complainant na pinadalhan ng Letter of Authority noong Nov.2021 ng BIR-RDO 19 na nagsasaad ng tax deficiency na P 4.5 milyon.

Dagdag pa ng complainant, tumawag sa kanyan ang personnel mula sa BIR Dipolog City at humihingi ng
P 400,000.00 bilang settlement ng kanyang tax deficiencies.

Binantaan din siya na kapag hindi siya susunod sa hinihingi ay ipapasa ang kanyang kaso sa kanilang Regional Office sa Zamboanga City at mapipilitan siyang magbayad ng P 4.5 milyon.

Nagtungo ang complainant sa BIR office kung saan nakilala ang BIR examiners na sina Renan Hechanova at Benjie Sumalpong.

Nakiusap ang complainant sa dalawang BIR examiner’s na bigyan siya ng panahon upang makapagbigay ng hinihinging halaga.

Pinlano naman ang entrapment operation ng NBI-DIPDO kung saan naaresto si Hechanova na sasampahan ng kasong Robbery with violence against or intimidation of persons, Anti-Graft and Practices Act, at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Jocelyn Tabangcura-Domenden