BIR hinimok ni Hontiveros na singilin ang P40B unpaid taxes ng POGO, saka palayasin
June 1, 2021 @ 2:13 PM
2 years ago
Views: 307
Remate Online2021-06-01T14:15:49+08:00
MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na kolektahin ang hindi pa nababayarang buwis sa prangkisa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na aabot sa higit sa P40 bilyon.
Sapahayag, idinagdag pa ni Hontiveros na kapag nasingil ang utang ng POGO, kaagad silang palayasin.
“Kailangan na nilang magbayad at saka lumayas. Iba’t ibang klase ng krimen ang nakakabit sa pagpapasok ng mga POGO, mula kidnapping hanggang prostitusyon. The social costs that came along with the spike of POGOs in our country will always outweigh any revenue that the government may generate from them. Hindi natin sila kailangan,” ani Hontiveros.
Si Hontiveros bilang Chairperson ng Senate Committee on Women, ang nagbukas ng imbestigasyon tungkol sa prostitusyon at sex trafficking na nauugnay sa POGO.
Ayon sa Senador, ang pagbubukas ng bansa sa POGO ay nagpalala rin ng katiwalian sa Bureau of Immigration.
“Huwag natin kalimutan na ang pastillas scam sa BI ay nagmula sa pagpasok ng mga Chinese nationals na madalas ay POGO workers. At kahit puro pasakit na ang dala ng mga POGO sa ating bayan, hindi pa makabayad ng tax nang tama. Kailangan makolekta na ng BIR ang utang nila para magamit pa iyan sa mga proyektong para sa mga Pilipino. Ngayon pa’t kaliwa’t kanang Pilipino ang nawawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya, napakalaking tulong ng perang makokolekta diyan para masuportahan ang ating mga mamamayan,” sabi ng senador.
Sa interpelasyon ng Senate Bill No. 2322 na naglalayong buwisan ang mga POGO, nabulgar na may tinatayang P15.285 bilyong hindi nabayarang franchise tax ang POGO noong 2018 ayon mismo sa BIR.
Noong 2019 naman ay umabot sa P14.230 bilyon ang hindi nabayarang buwis, habang noong 2020, pumalo ito sa P10.78 bilyon. Dahil dito, may kabuuang P40.295 bilyong utang sa franchise tax ang mga POGO.
Isiniwalat din na noong 2020, ininspeksyon ng joint task force ng BIR, BI, at Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa 196 na tanggapan ng POGO, kung saan mayroong 23,000 foreign nationals at 1,632 dito ang walang Alien Employment Permits.
“I am sure there is more to this number of over 1,000 illegal POGO workers. Hindi na panibagong balita na may mga ilegal na POGO workers. Malamang, sila din itong mga kasali sa mga krimen laban sa ating sariling mamamayan. Kapag hindi sila dokumentado, mas malakas ang loob nilang maghasik ng lagim sa ating lipunan,” ani Hontiveros.
“Paghusayan pa sana ng joint task force ng BIR, DOLE, at BI ang pag-a-update at pagbibigay ng datos sa bilang ng mga iligal na manggagawa sa POGO. Kung hindi natin alam kung sino ang mga iligal, paano din natin malalaman kung sino ang mapapanagot? Hindi natin kailangan ang mga POGO at mas lalong hindi natin kailangan ang mga ilegal na POGO. At the end of the day, I remain resolute in my position that POGOs should pay up and ship out,” pagtatapos niya. Ernie Reyes
February 4, 2023 @5:00 PM
Views: 58
MANILA, Philippines- Magiging available ang receiving at returning ng mga package sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa nakatakdang paglulunsad ng private operator Light Rail Manila Corp. (LRM) ng unang smart locker system sa bansa.
Inihayag ng LRMC nitong Martes na nakipagkasundo ito sa Airspeed Group of Companies na mag-activate ng “PopBox” sa Pilipinas.
Ang PopBox ay isang smart locker system para sa contactless delivery at nagpapadali para matanggap ang mga package, ayon sa kompanya.
Nakatakdang opisyal na ilunsad ang smart locker system sa LRT-1 sa February 2023.
Sinabi ng LRMC na magsisilbi ang Airspeed Group na official logistics partner na nag-aalok ng PopBox fulfillment option sa mga kliyente nito gaya ng e-commerce platforms at small and medium enterprises.
Ayon sa kompanya, ikakasa ang PopBox smart lockers sa lahat ng 20 LRT-1 stations.
“The LRMC team is passionate about innovation. Driven by our shared mission to enhance the commuter experience and make it truly world-class, we want to make commuters feel like they are in a station that they might go to in other countries,” pahayag ni LRMC president at CEO Juan Alfonso.
“We aim to give our passengers a glimpse into our future, and we’re glad to partner with the Airspeed Group in making part of this vision happen,” dagdag niya. RNT/SA
February 4, 2023 @4:48 PM
Views: 64
MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang kustomer ng Maynilad Water Services Inc.ng water service interruptions mula February 4 hanggang February 7, 2023.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Las Piñas, Muntinlupa, Cavite, Parañaque, at Pasay City, ayon sa ulat nitong Sabado.
Sinabi ng Maynilad na apektado ang water service dahil sa mataas na raw water turbidity dulot ng Northeast Monsoon (Amihan) winds.
“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available. Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” anang kompanya.
Idinagdag nito na maglilibot ang mobile tankers sa mga apektadong lugar para mag-deliver ng potable water, habang maaaaring kumuha ng tubig ang mga kustomer mula sa stationary water tanks sa ilang lugar.
“We apologize for the inconvenience,” pahayag ng Maynilad. RNT/SA
February 4, 2023 @4:36 PM
Views: 69
MANILA, Philippines- Bumaba ang COVID-19 positivity rate ng bansa sa 1.8% nitong Biyernes, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research nitong Sabado.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na batay sa Department of Health (DOH), mayroong 156 bagong COVID-19 cases nitong Biyernes, 14 nasawi (1 sa NCR), 179 recoveries, at 9,626 active cases sa buong bansa.
Pinakamarami ang bilang ng bagong kaso sa NCR sa 53.
Sinabi ni David na 100 hanggang 150 bagong COVID-19 cases sa bansa ang inaasahang ngayong Sabado.
Nitong Enero, ang nationwide COVID-19 positivity rate ay 5.7%.
Hanggang nitong Biyernes, pumalo ang COVID-19 tally ng bansa sa 4,073,706, habang ang active infections ay tumaas sa 9,626. RNT/SA
February 4, 2023 @4:32 PM
Views: 65
MANILA, Philippines- Minamanmanan ang isang Philippine Navy warship ng dalawang Chinese Coast Guard vessels at dalawang Chinese maritime militias malapit sa Mischief Reef – isang low-tide elevation sa Spratly Islands, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nagsagawa pa ang Chinese maritime militia “fishing vessels/boats” ng intercept course patungo sa Philippine Navy warship.
Nitong Feb. 1, nagbago ng direksyon ang BRP Andres Bonifacio sa kanluran sa paglapit ng China maritime militia vessels na halos walong kilometro, ayon kay security innovator Ray Powell.
Pasok ang Mischief Reef sa 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.
Inihayag ni Balilo na nagsasagawa ang BRP Andres Bonifacio ng patrol at search mission.
Bagama’t nagmanman ang Chinese vessels, hindi ito nakialam sa operasyon at misyon ng BRP Andres Bonifacio. RNT/SA
February 4, 2023 @4:24 PM
Views: 62
MANILA, Philippines- Pinangunahan ng mga opisyal ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang paggunita, araw ng Sabado sa ika-124 taong anibersaryo ng Philippine-American War.
Isang simpleng seremonya ang idinaos sa panulukan ng Sociego at Silencio Streets sa Sampaloc, Maynila para sa nasabing okasyon.
“The site is where the US’ 1st Nebraska Infantry Regiment first fired shots at Filipino forces on Feb. 4, 1899,” ayon sa NHCP.
“Despite Emilio Aguinaldo’s surrender to the American forces in 1901, Filipinos nationwide continued to fight for independence and staged resistance movements even as they lacked armaments. The war lasted until 15 June 1913 with Muslim resistance at the Battle of Bud Bagsak in Sulu,” dagdag na wika nito.
Ang naturang seremonya ay dinaluhan nina Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na nag-alay ng korona
sa lugar kasama si Captain Jonathan Salvilla ng Philippine Navy.
Ang ibang nag-alay ng bulaklak ay sina NHCP Officer-in-Charge Executive Director Carminda Arevalo, ACT Teachers party-list Representative France Castro, at Barangay Chairman Danilo Tibay ng Barangay 586, Zone 57.
Sa kabilang dako, nakiisa naman si ACT Teachers-Philippines president Antonio Tinio, kamag-anak ni General Manuel Tinio, pinakabatang Filipino general na nakipaglaban sa Philippine-American War, sa pag-aalay ng korona.
Samantala, isang online exhibit na may titulong “Mga Himpilan at Kabisera ng Pamahalaan mula 1898 hanggang 1901” ang inilunsad ng NHCP Museo ni Apolinario Mabini sa Tanauan City, Batangas.
“The exhibit will feature the different capitals and seals of the Philippine government and the factors that led to the change of capitals from 1898 to 1901,” ayon sa NHCP.
Matatandaang, tinintahan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11304 noong 2019, pagtatanda sa Pebrero 4 bilang special working holiday na tinawag na Philippine-American War Memorial Day “in commemoration of the sacrifice and bravery of the men and women who fought and died in defense of the Filipino nation during the Philippine-American war.” Kris Jose