BIR: Pagbabayad ng buwis walang extension

BIR: Pagbabayad ng buwis walang extension

April 18, 2022 @ 12:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi na ieextend ng Bureau of Internal Revenue ang deadline ng paghahain ng annual income tax returns ngayong taon, ayon sa isang opisyal nitong Lunes. 

“All info on filing have long been posted sa website and FB page ng BIR. FB account ng BIR has been uploading daily reminder. All Regional Offices and District Offices have also been campaigning for the filing deadline today,” pahayag ni BIR Deputy Commissioner Atty Marissa Cabreros.

Nauna nang inilipat ang deadline mula Abril 15 sa Abril 18 dahil sa Mahal na Araw.

Subalit sinabi ng BIR na papayagan nito ang paghahain ng tentative ITR hanggang Mayo 16. RNT/SA