BIR sa taxpayers: Gumamit ng eAppointment system iwas-pila

BIR sa taxpayers: Gumamit ng eAppointment system iwas-pila

October 17, 2022 @ 4:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa publiko nitong Lunes, Oktubre 17 na maaari nang gamitin ang electronic appointment (eAppointment) service ng kagawaran sa mga transaksyon sa mga field offices sa buong bansa.

Sa isang statement, sinabi ni BIR Commissioner Lilia Catris Guillermo na ang hakbang ay upang maiwasan na ang mahabang pila sa mga tanggapan at makaiwas na rin sa banta ng hawaan sa COVID-19.

Dagdag ni Guillermo, maaaring pumunta ang isang aplikante sa official website ng BIR na www.bir.gov.ph.

“It is available with the agency’s 99 out of the 132 revenue district offices across the country,” aniya.

Sakop ng eAppointment ang mga serbisyo ng BIR katulad ng registration of business, authority to print (ATP) receipts and invoices, registration of books of accounts, at aplikasyon ng Taxpayers Identification Number, update of registration information, application for transfer registration, application for update/change/replacement certificate of registration, application for closure of business/cancellation of registration (COR) account enrollment/activation of eServices (eFiling Payment System/eAccounting registration/eSales) at releasing ng COR at ATP, ayon sa pahayag ng ahensya. RNT/JGC