Bird flu natuklasan sa Bulacan, Pampanga

Bird flu natuklasan sa Bulacan, Pampanga

February 23, 2022 @ 11:53 AM 4 months ago


MANILA, Philippines- Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture sa ilang local government units at veterinary personnel para masawata ang avian influenza o bird flu na natuklasan sa ilang farms sa Bulacan at Pampanga.

Ayon kay DA Sec. William Dar, agad silang nagsagawa ng kinakailangang protocol para mapigilan ang pagkalat ng bird flu na natuklasan mula sa mga bibe at pugo sa Baliuag, Bulacan gayundin sa mga bayan ng Candaba at Mexico sa Pampanga.

“We immediately carried out the needed protocol to effectively contain avian influenza that was detected in ducks and quails in Baliuag, Bulacan, and Candaba and Mexico in Pampanga — aimed mainly at preventing it from spreading to other areas,” pagsisiguro ni Dar.

Sinabi ni Dar na gumamit sila ng Real Time-Polymerase Chain Reaction test at natuklasan ng DA-BAI ang Highly Pathogenic Avian Influenza H5N1 strain sa kanilang isinagawang pagsusuri sa Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory. RNT