Bird flu outbreak! Manok sa Luzon, ban sa MIMAROPA, Vis-Min

Bird flu outbreak! Manok sa Luzon, ban sa MIMAROPA, Vis-Min

March 10, 2022 @ 8:10 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapadala ng poultry at non-poultry live birds mula sa mainland Luzon papunta sa ibang bahagi ng bansa bunsod ng outbreak ng avian influenza o bird flu sa Bulacan at Pampanga.

Sa Memorandum Circular No. 6, series of 2022, na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar noong Marso 7, nagtakda Ito ng guidelines para sa magiging galaw ng domestic at wild birds at poultry products at by-products sa panahon ng bird flu outbreak.

Kinumpirma ng Agriculture department ang natuklasan na avian influenza type A subtype H5N1 sa duck farms sa bayan ng Baliuag sa Bulacan at Candaba sa Pampanga at maging sa quail farms sa Candaba at Mexico, Pampanga.

Sinabi pa ng DA na ipinaalam na nito ang unang kaso ng bird flu sa World Organization for Animal Health noong Pebrero 18, 2022.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ng ahensiya ng 30 araw ang magiging galaw ng lahat ng species ng live birds (poultry at non-poultry), kabilang na ang “day-old chicks, day-old pullets, hatching eggs, ready to lay pullets, ducks, at quails” mula mainland Luzon, partikular na sa Region 1, 2, 3, 4A, 5, at CAR, tungo sa MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.

Sinuspinde rin ng DA ang transportasyon ng pigeons at game-fowls ppaunta at mula mainland Luzon patungo sa ibang bahagi ng bansa ng 30 araw.

Samantala, ang pagdadala ng game-fowls mula MIMAROPA, Visayas, at Mindanao sa mainland Luzon ay pinapayagan subalit ang paghahatid pabalik sa nasabing lugar mula mainland Luzon ay ipinagbabawal.

Ang pagdadala ng live ducks sa loob ng mainland Luzon papunta sa ibang bahagi ng bansa ” for grazing” ay suspendido rin ng 30 araw.

Bukod dito, sinuspinde rin ng DA ang live bird markets sa Bulacan, Pampanga, Laguna, Camarines Sur sa loob ng isang buwan

“Inter-regional movement of live ducks and quails within and from mainland Luzon to MIMAROPA, Visayas, and Mindanao are suspended for 30 days. Movement of live ducks and quails from Bulacan, Pampanga, Laguna, and Camarines Sur to any destination in the Philippines is suspended for a month,” ayon sa DA.

“Similar transport/movement restrictions will be applied progressively for areas with positive detection of avian influenza,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, ipinalabas naman ng DA ang mga sumusunod na exceptions sa transport ban ng live birds:

Ito ay ang “transshipment of imported day-old chicks, day-old pullets, hatching eggs from international airports and seaports in Luzon to MIMAROPA, Visayas, and Mindanao; transshipment of game-fowls from international airports and seaports in Luzon to the rest of the country; transport of table eggs, salted eggs, quail eggs, and balut from mainland Luzon to the rest of the Philippines: transport of poultry meat from mainland Luzon to the rest of the country at movement of poultry dung or manure.”

Ang guidelines ay ipinalabas para protektahan ang avian influenza free areas sa bansa at tiyakin na ang posibleng pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng kalakal ay mapapagaan o mapapahupa. Kris Jose