‘Bird flu’ task force muling pagaganahin sa Region 2

‘Bird flu’ task force muling pagaganahin sa Region 2

February 24, 2022 @ 4:54 PM 4 months ago


CAGAYAN VALLEY-Dahil sa banta ng bird-flu ay nakatakdang i-reactivate ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang kanilang naunang binuong Avian Influenza Task Force dito sa nabanggit na rehiyon.

Ayon kay Dr. Manuel Galang Jr., Veterinarian ng DA region 2, bagamat maituturing na Avian Influenza o Bird Flu Virus free ang rehiyon dos ay kinakailangan pa ring maghanda.

Ito ay makaraang libu-libo ang namatay na pugo at pato sa Bulacan at Pampanga dahil sa Avian Influenza-Bird Flu Virus na ngayon ay kontrolado na ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Dr. Galang na noong mga nakalipas na taon ay nabuo na ng mga miyembro ng Avian Influenza Task Force mula Municipal, Provincial at Regional levels.

Ayon pa kay Dr. Galang magsasagawa din sila ng intensive campaign may kaugnayan sa Avian Influenza o birds flu.

Bukod dito ay kanilang sasanayin at I-review ang mga Provincial Veterinarians at mga LGUS upang maging handa.

Magkakaroon din sila ng monitoring and surveillance sa mga lugar na mayroong migratory birds at mga poultry farms at kukuha din sila ng mga blood samples.

Kinakailangan din anyang mag-ingat ang publiko at iwasang katayin ang mga ibon, manok, patu at iba pa na tinamaan ng Avian Influenza o birds flu dahil maaring makahawa sa tao.  Rey Velasco