Bisa ng bibiling energy-saving devices pwedeng i-verify sa DOE

Bisa ng bibiling energy-saving devices pwedeng i-verify sa DOE

December 21, 2022 @ 9:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na i-verify ang kahusayan ng mga energy-saving device (ESDs) bago bumili.

“We would like to inform everyone that these activities tend to deceive our energy consumers and promote their personal interests,” the DOE said in an advisory.

At para ma-verify ito, sinabi ng DOE na pwedeng humingi ang bibili sa mga seller ng test result mula sa DOE ukol sa kanilang ESD products.

“To verify their claim for efficiency, consumers should ask these sellers for a test result coming from the DOE regarding their ESD products.”

Ayon sa ahensya, wala pa itong nahahanap na ESD “that can satisfy its claim for efficiency.”

Hinikayat din ng DOE ang mga mamimili na iulat ang “unscrupulous practices” sa Consumer Welfare and Promotions Office nito. RNT