Bisikleta vs karahasan sa kababaihan

Bisikleta vs karahasan sa kababaihan

November 25, 2022 @ 7:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbisikleta upang ipahayag ang paglaban sa karahasan sa mga kababaihan, ang iba’t ibang mga indibidwal ngayong Biyernes, Nobyembre 25 kasabay ng selebrasyon ng “18 Day Campaign to End VAW” sa Quezon Memorial Circle ng naturang lungsod.

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay lumahok sa naturang aktibidad kasabay ng pamamahagi ng 600 bisikleta sa mga kababaihang sumali din dito partikular na ang mga ambulant vendors, lady guards, BSPOs at mga babaeng pulis.

Tatakbo ang kampanya kontra violence against women (VAW) mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12. RNT/JGC