#BisingPH makaaapekto sa Batanes, eastern Cagayan, Isabela

#BisingPH makaaapekto sa Batanes, eastern Cagayan, Isabela

April 22, 2021 @ 6:30 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang bagyong Bising sa Batanes, silangang bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, silangang bahagi ng Isabela, batay sa PAGASA.

Bahagyang pag-ulan din ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Ilocos Norte, Nueva Ecija, at Aurora.

Ibinabala naman ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sa ganap na 4 a.m., namataan ang sentro ng bagyo sa layong 350 kilometrong silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang 150 kph na hangin malapit sa gitna at pagbugsong 185 kph.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar.

  • Batanes

  • silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Camalaniugan, Buguey, Aparri, Santa Teresita, Alcala, Amulung, Iguig, Tuguegarao City) kasama na angBabuyan Islands

  • northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)

Samantala, localized thunderstorm ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. RNT/FGDC