“BISITA BE MY GUEST” INILUNSAD NG DOT AT DMW

“BISITA BE MY GUEST” INILUNSAD NG DOT AT DMW

December 28, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


PORMAL na isinapubliko ang programang BBMG o ang “Bisita Be My Guest” na nagbibigay insentibo sa mga Pilipino na makapag-iimbita ng mga dayuhang bisita sa bansa. Ito ay sa pagtutulungan ng Department of Tourism at Department of Migrant Workers.

Magsisimula ang kampanya sa January 2023 at magtatagal hanggang April 2024 kung saan maaaring manalo ng isang condominium, bagong kotse, travel packages, at privilege card. 

Ayon kina DOT Secretary Ma. Christina Garcia Frasco at DMW Secretary Susan “Toots” Ople, ang BBMG ay pagkakataon para sa lahat ng Pilipino na maging ambassadors lalong-lalo na sa overseas Filipino workers at overseas Filipinos.

Bibigyan ng raffle ticket ang Pilipino na nag-imbita at ang inimbitahang dayuhan o isang Pilipino na may dual citizenship na naninirahan abroad sa nakalipas na anim na buwan.

Batay sa datus, nasa sampung milyon ang mga Pilipino na nasa iba’t ibang kontinente at bansa sa kasalukuyan habang muling umakyat sa dalawang milyon ang bilang ng mga OFWs.

Kasabay nito, minamadali na rin ng DOT ang pagsasaayos ng tourism condition ng bansa sa pamamagitan ng karagdagang imprastraktura, access at connectivity.

Nagbigay naman ng suporta sina Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte at First Lady Lisa Araneta Marcos.

Sa datus ng DOT, nasa 2.39 million na ang dumating na dayuhan sa bansa hanggang October 31, 2022 na nagpasok ng halagang US billion 2.34 dollars o katumbas ng halagang P130.59 billion pesos.

-ooOoo-

Ipinaaalam sa lahat ng motorista na ang dating Roosevelt Avenue na may habang 2.9 km2 mula EDSA at tatagos ng Quezon Avenue ay kilala na po ngayon bilang “Fernando Poe, Jr. Avenue”.

Ito ay sa bisa ng Republic Act No. 11608 na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa ang lumagda.

Sa kahabaan ng FPJ Avenue ay matatagpuan ang ancestral house ng mga Poe kung saan lumaki ang itinuturing na “Hari ng Pelikulang Pilipino” na isa ring National Artist for Film.

Namatay si FPJ noong December 14, 2004 sanhi ng stroke sa edad na 65.