Bisor ng Duty Free Phils, hindi nagreremit ng kita – kinasuhan

Bisor ng Duty Free Phils, hindi nagreremit ng kita – kinasuhan

July 26, 2018 @ 3:47 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong graft ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ang isang supervisor ng Duty Free Philippines dahil sa hindi nito pagreremit ng kita ng nasabing korporasyon.

Ayon sa NBI, mag-ugat ang kaso sa  reklamo  ni Vicente  Pelagio Angala, Chief Operating Officer ng Duty Free Philippines  Corporation (DFPC) na magsagawa ang ahensya ng imbestigasyon laban kay Mark Lester Terem Toledo, supervisor ng DFPC-Iloilo.

Nabatid na nagpadala na ng subpoena ang NBI- Western Visayas Regional Office laban kay Toledo upang sagutin ang akusasyon subalit hindi ito lumutang at sa halip ay ang kanyang ina na si Gng. Merlinda Toledo ang humarap.

Binigyan din ng 15 araw si Toledo upang maghain ng kanyang counter affidavit subalit hindi na ito lumutang pa at hindi alam ang kanyang kinaroroonan.

Napag-alaman na nasa halagang P 979,362.00 kita ng Duty Free ang hindi idineposito ni Toledo sa Land Bank. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)