Bistek, nagsalita na sa real score nila ni Ruffa!

Bistek, nagsalita na sa real score nila ni Ruffa!

April 17, 2022 @ 12:52 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Bihirang sumagot si Herbert Bautista sa mga personal na isyung kinapapalooban niya.

Para sa kanya, sensitive ang topic tungkol sa kanyang lovelife.

Pero sa latest vlog ni Ogie Diaz, hindi na nakaligtas si Bistek.

Curious kasi ang publiko kung ano nga ba ang status nila ni Ruffa Gutierrez.

Are they or are they not.

Diretsong sinabi ni Herbert that theirs has no label attached to it, “Walang boyfriend, girlfriend. Hinahayaan lang namin siyang mag- evolve.”

Categorically, wala raw commitment stands in the way.

Mature relationship daw niyang matatawag ‘yon.

Pero aminado si Herbert na,” Nasa masayang lugar ako ngayon.”

Mas may motivation daw siya kung paanong na-motivate niya si Ruffa to pursue her college education.

Ga-graduate na si Ruffa sa communication arts degree sa July.

Proud si Herbert na naging instrumento siya para ipagpatuloy ni Ruffa ang kanyang studies despite her age. Forty seven years old na ang aktres.

It’s the same push daw na mukhang nagustuhan sa kanya ng mahigpit na ina nito, si Annabeĺle Rama.

So, sila na nga ba talaga?

Again, theirs is a non-commital relationship which continues to evolve every single day.

Case closed. Ronnie Carrasco III