Bitak sa Mt. Arayat, ikinabahala

Bitak sa Mt. Arayat, ikinabahala

October 9, 2022 @ 7:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ikinabahala ng mga residente ang malaking bitak na nakita sa Mt. Arayat na maaari umanong magdulot ng matinding landslide o pagguho ng lupa.

Ayon sa kapitan ng Barangayn San Juan Bano sa Arayat, Pampanga, matagal na ang bitak sa bundok na mas pinalaki pa ng dumaan ang bagyong Karding noong Setyembre.

Sa pag-aaral naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mayroong pagguho ng lupa sa taas ng bundok.

Nagbabala naman ito ng matinding landslide sa oras na mayroon ulit na malakas na bagyo ang manalasa sa rehiyon na tiyak makaaapekto sa ilang komunidad sa palibot ng Mt. Arayat.

Bumuo na ang PDRRMO ng task force upang alamin at pag-aralan ang mga preventive measures na maaaring isagawa kaugnay nito. RNT/JGC