USAPANG MISSILE AT BOMBANG NUKLEYAR

August 9, 2022 @4:51 PM
Views:
52
IKAAPAT na araw kahapon ang pagpapalipad ng China ng missile sa ibabaw ng Taiwan at pagpasok ng mga barko nito sa mga itinuturing na teritoryong pangkaragatan ng Taiwan.
Pers taym na hindi hinamon ng United States ang pwersa ng China.
Sa halip, pinanatili ng US ang pwersa nitong nabal sa Philippine Sea na nasa pagitan ng Pilipinas at Guam at Palau.
Noong 1995-1996, nagkaroon din ng mainit na iringan ng China at Taiwan ngunit agad na nagpadala ng mga barkong pandigma ang US sa Taiwan Strait na karagatang nasa pagitan ng dalawang nag-iiringan.
Nangangahulugan na tama ang sinasabi mismo ng ilang awtoridad na Kano na hindi na lampa ang pwersa militar ng China at kaya na nitong makipagsabayan sa aksyon sa pwersa nila.
Gayunman, magpapalayag pa rin umano ang mga Kano sa susunod na ilang linggo ng kanilang mga barko sa Taiwan Strait at karaniwang isang destroyer ang ginagamit na papasok patungo sa loob mismo ng South China Sea hanggang sa Malaysia o Indonesia o Vietnam o kayaây babalik sa Japan.
SAGAD-SARANG ANTI-CHINA
Pangatlo na pinakamataas na pinuno sa pamahalaang US si House Speaker Nancy Pelosi.
Sagadsarang kontra-China si Pelosi kaya naman gayun na lamang katindi ang pag-ayaw ng China sa pagpunta nito sa Taiwan.
Labag umano ang pagpunta ni Pelosi sa patakaran ng US na one-China policy nito at sa pag-unawa ng China, pagkilala umano sa Taiwan bilang isang hiwalay na bansa sa China ang ginawa Amerikana.
Kaya gayun na lang ang reaksyon ng China na nagtuturing sa Taiwan na isa lang na lalawigan nito.
MISSILE NA LABAN SA CHINA
Tiningnan ng Australia, US at ilang kaalyado ng mga ito ang live military exercise ng China sa palibot ng Taiwan bilang pagsasanay na rin para sakupin ang huli.
Dahil dito, pinag-uusapan na nang todo ng nasabing mga bansa ang paggawa at pag-deploy ng hypersonic missile na kayang lumipad nang nasa 2,000 hanggang 4,000 ang layo.
Dahil tumatakbo ang hypersonic missile ng 5-8 beses sa bilis ng tunog o sound na 761 milya kada oras ang takbo, sa 14 minuto lang, abot na umano ng Chinese missile ang Australia.
At hindi lang karaniwang bomba ang dala ng nasabing missile kundi bombang nukleyar na sagot umano sa banta ng China na magpapakawala ng bombang nukleyar.
Kaya naman, gayun na lang ang paghahangad ng US, Australia at iba pa ang paggawa mga nasabing missile para gamitin sa pagganti o bilang pamigil sa bombang nukleyar ng China.
PINAS MADADAMAY
Malaki ang posibilidad na madamay sa giyerang nukleyar o karaniwang giyera ang Pilipinas.
Lalo na kung magtayo ang mga Kano ng mga kampo militar nila sa Pilipinas laban sa China.
Kaya naman, mga Bro, pinaiiral ng pamahalaang Bongbong Marcos ang patakarang âfriend to all and enemy to none.â
Noong ikalawang digmaan, nadamay ang Pilipinas sa giyera ng Japan at US na nag-agawan ng teritoryo at pagbebentahan ng kani-kanilang mga produkto at serbisyo.
Ngayon naman, feel na feel ng lahat ang halos pagkakapareho na sitwasyon noon at ngayon bagamaât sa pagitan ng China at USÂ naman ang girian ngayon.
Dapat kumilos ang lahat para hindi sasabog ang digmaan na posibleng nukleyar at igiit ang pagiging neutral ng Pinas dito.
  CREATING A MANILA BAY MANAGEMENT COUNCIL A MUST

August 9, 2022 @4:43 PM
Views:
47
NAVOTAS City Rep. Toby Tiangco is pushing for the creation of the Manila Bay Management Council (MBMC) that will manage and control the Manila Bay and formulate a unified policy for its protection and preservation, among others.
Taking into consideration the mandamus issued by the Supreme Court on Manila Bay several years back which required concerned government agencies and local government units (LGUs) to clean up, rehabilitate and preserve the bay, his House Bill 2926 will have the MBMC the supervision, management and control the Manila Bay.
“Through this measure, we seek to amend Section 16 of the Philippine Fisheries Code, giving the MBMC supervision and control of the Manila Bay,” he said.
Restoring Manila Bay to its pristine state will only be feasible if all concerned government agencies and LGUs follow and implement unified rules, policies, and procedures, he said.
The Navotas lawmaker said the MBMC will be composed of the secretaries of agriculture and environment, chair of the Metro Manila Development Authority, and the governors of Bataan, Pampanga, Bulacan, and Cavite.
                    Navotas gains more skilled workers
The city government has gained more skilled workers following the virtual graduation of 198 technical and vocational trainees of Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Of these, 12 completed and received national certification (NC) II for Shielded Metal Arc Welding; 10, Dressmaking; 13, Housekeeping; 16, Massage Therapy; and 13, Hairdressing.
Fifteen trainees also finished Bread and Pastry Production NC II, and 16 each graduated from Barista and Food and Beverages NC II.
Mayor John Rey Tiangco encouraged the graduates to keep on learning and work on improving themselves.
âSeize the opportunity to learn.  Our training centers offer various free courses.  Enroll and equip yourselves with the right skills to pursue your dream career.â
He said that more employment opportunities will be available to Navoteños when the Tanza Airport Support Services begins its operation.
âMake sure you are learning the necessary skills and proficiencies to qualify for the jobs that will soon be offered,â he said.
Navotas has four training centers that are open to Navoteño and non-Navoteño trainees. Residents may study at the institute for free while non-residents may enroll and take assessment exams for a fee, depending on the course they will take.
TRIAL BY MARITES Part 6 (Qualifications of the Judges)

August 9, 2022 @4:36 PM
Views:
46
TULAD nang nasabi na sa mga nakaraang column, isang kangaroo trial talaga ang ipinatupad ng
National Inspectorate Scholarship Program (NISP) noong administrasyon ni Secretary Isidro Lapena sa
TESDA. Mantakin mo ba namang ang mga nagpatupad dito ay mga walang relevant qualifications para
mag-imbestiga ng mga technical vocational institutions.
Kasalukuyang binubuo ang NISP ng pinunong si Emily Q. Tesoro at ang mga miyembro nitong
ang kategorya sa TESDA ay job orders at contractual.
Sa pagkakaalam naming, isang accountant si Tesoro na siyang dahilan kung bakit napasara ang
maraming eskuwelahan dahil sa kangaroo investigations na ginawa ng kanyang opisina.
Base sa aming pagsasaliksik, siya ay walang especial training sa TESDA. Wala sâya kahit anong
specialization or expertise para i-assess ang mga programa ng TESDA dahil bilang accountant, siguro
proficient siya sa pagbibilang ng mga kutsara at tinidor para sa bread and pastry qualifications pero
hanggang doon lamang siguro ang kanyang kakayahan.
Ang nakapanlulumo lang, marami nang napasarang eskuwelahan itong NISP sa pamumuno ni
Tesoro na ang isa sa mga dahilan ay kakulangan umano sa gamit o di pagbili ng gamit o maling paggamit
ng mga equipment, kabilang na mga kutsara at tinidor.
Hindi rin siya abogado o kahit man lang underbar na may paralegal training para maintindihan
ang basic rules of evidence at constitutional rights of the schools and the people behind it. Kung tutuusin
talagang si Tesoro ay involved sa illegal practice of law sa kanyang mga pinaggagawa sa TESDA.
Pati ang ibang wala namang kasalanang TESDA employees at mga opisyal kasama na mga
District Directors, Regional Directors atbp. ay nadadamay dahil sa kabalbalang ito ng NISP.
Ang isang huwes o abogado nga, may minimum requirements para makapag-assume ng isang
opisina â of course, given na yong appropriate educational requirement (i.e. training in law, expertise in
a qualification, age requirement etc.). Mahirap i-justify si Tesoro sa kanyang functions sa NISP at maging
mahirap i-justify yong mga contractual na miyembro ng NISP na mga bagong graduate pa yata.
Alam nâyo ba mga kapatid na ang ganitong sistema ng NISP ay nagdulot sa ng pagkakamali? For
instance, may isang tech-voc school pinadalhan ng demand letter na ang nakalagay ay âreferring to
alleged violations in Hilot Massageâ pero ang attached supporting document ng sulat ay beauty care?
PINAIGTING NA CRIME-DRIVE NG MALABON-PS

August 9, 2022 @4:31 PM
Views:
57
SA talaan ng Malabon City Police Station, ilang wanted persons ang nahulog sa kamay ng mga
operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Intelligence Section matapos ang isinagawang
simultaneous anti-criminality law enforcement operations.
Isa sa naaresto ay si Junriel Francisco, 28,  na matagal nang hinahanap ng awtoridad dahil
sa kasong rape, alinsunod na rin sa warrest of arrest na ipinalabas ni Judge Josie Rodil ng
Regional Trial Court Branch 23, Malabon City.
Maliban  kay Francisco, ilan pang wanted persons na may kasong illiegal possession of
firearms, estafa, illegal gambling, robbery at iba  pang criminal cases ang nadakip ng mga
tauhan ng MCPS.
Sa drug operations,  nabuwag ng intelligence ng anti-narcotics team ng MCPS ang ilang
grupo ng drug dealers at pushers na nag-ooperate sa CAMANAVA area na nagresulta sa
pagkakakumpiska ng milyong halaga ng droga.
Isa rito ay ang neutralization ng notoryos na âPontillas Drug Groupâ na kinabibilangan ng
magkapatid na drug personalities na sina  Emiliano Pontillas,  a.k.a. Jonjon Tisoy at  Meliton
Pontillas, na kilala sa alias na âTontonâ.
Ang pagkadakip ng wanted felons na ito ay alinsunod sa pinaigting na anti-criiminality
campaign na ipinag-utos ni MCPS chief of police Col. Albert Barot at Northern Police district
director PBGen. Ulyssis Cruz.
Good job MCPS.
***
MCPS OUTREACH PROGRAM
Bukod sa pinaigting na anti-criminality campaign, walang oras na sinasayang ang mga
operatiba ng MCPS sa pag-iikot sa mga kasuluksulukan ng 21 barangay ng lungsod para isagawa
ang kanilang âOutreach Programâ.
Kamakailan lamang ay sumugod ang mga tauhan ng Malabon Police sa Brgy. Potrero
para isaganap ang âOutreach Programâ na tinawag nilang âUgnayang Pulisya at Komunidad
Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Pamayananâ.
Dahil sa napipintong Face to Face classes, ang personnel ng MCPS ay  sinimulan nang
isagawa ang outreach program sa pamamagitan ng ibaât ibang aktibidades, isa rito ang pag-asiste
sa mga guro na nagsasagawa ng âBrigada Eskwelaâ.
 Isa sa highlight ng programa ay ang paglilinis sa mga eskuwelahan ng mga guro at mga
magulang, city hall employee at mga  kapulisan bilang paghahanda sa darating na pasukan
ngayong buwan.
SAVINGS NG PAG-IBIG MEMBERS, LUMAKI NG 23% SA UNANG BAHAGI NG 2022

August 9, 2022 @4:25 PM
Views:
47