Biyahe sa ilang pantalan suspendido na sa bagyo

Biyahe sa ilang pantalan suspendido na sa bagyo

October 28, 2022 @ 1:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – May mga ilang pantalan na sa bansa na nasasakupan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang nag-abiso nang pansamantalang suspensyon ng mga biyahe mula at patungo sa mga lugar na apektado ng bagyong Paeng.

Sa abiso publiko ng PPA ngayong alas 10 ng umaga, base sa umiiral na panuntunan tuwing may sama ng panahon, ilang pantalan sa PMO Eastern Leyte/Samar, PMO Bicol, PMO Marinduque/Quezon, PMO Batangas, PMO Masbate ang sinuspinde na ang mga byahe.

Gayundin sa (Port Management Office) PMO Bohol, PMO Panay-Guimaras, PMO Surigao at PMO Misamis Oriental/CDO.

Samantala, inaabisuhan ang publiko na maaaring tawagan ang PPA para sa port-related updates sa panahon ng pangangailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden