Biyahe sa LRT-1, limitado

Biyahe sa LRT-1, limitado

July 21, 2018 @ 9:42 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pansamantala munang nag-shutdown ang southern line ng LRT-1 para ayusin ang nasirang electrical wire sa Libertad Station.

Dahil dito, pinababa ang nasa 100 pasahero kaninang alas-8 ng umaga sa nabanggit na istasyon.

Sa abiso ng LRT-1, nilimitahan muna ang biyahe ng mga tren mula sa UN Avenue hanggang Roosevelt Stations at vice versa.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung kailan maibabalik ang buong operasyon. (Remate News Team)