Biyaheng CebPac sa Dubai kanselado hanggang June 15

Biyaheng CebPac sa Dubai kanselado hanggang June 15

June 2, 2021 @ 7:31 AM 2 years ago


Manila, Philippines — Kinansela ng Cebu Pacific ang flights papunta at pabalik ng Dubai mula Hunyo 1 hanggang 15, makaraang palawigin ng bansa ang travel restrictions sa mga manlalakbay mula United Arab Emirates at iba pang bansa.

Sa kalatas, kanselado ang mga sumusunod na flight:

  • 5J 14 (Manila-Dubai) mula June 4-14

  • 5J 17 (Dubai-Manila) mula June 5-14

  • 5J 19 (Dubai-Manila) mula June 5-15

Sinabi rin ng Cebu Pacific na naipaalam na nila ito sa kanilang pasahero at binigyan ng pagpipilian  bilang kapalit.

Ilan pa sa kasama sa travel restriction ay ang mga bansang India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal na itinakda hanggang June 15. RNT/FGDC