Biyuda timbog sa droga

Biyuda timbog sa droga

November 21, 2020 @ 2:36 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Ilocos Sur – Swak sa kulungan ang isang 43-anyos na babae matapos  salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay sa Brgy. Oaig-Daya, Candon City ng lalawigang ito kahapon ng umaga at masamsam ang ilang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang suspek na si Emely Abaya y Reynante.

Ang suspek ay isang HIP Target sa iligal na droga sa Regional Level. Kasama siya sa PDEA Target List at subject for PIU COPLAN PEARL JAM.

Ang pagsalakay ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa mula sa ISPDEU/PIU ISPPO (lead unit), Candon CPS, RDEU1 at PDEA RO1, sa bisa ng isang search warrant  na may petsang November 13, 2020.

Nasamsam mula sa bahay ng suspek ang isang nakabukas na transparent plastic sachet  na naglalaman ng hinihinalang shabu residue at 12 na heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu  na tinatayang may timbang na humigit–kumulang na 1 gramo at may DDB value na P6,800.

Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kostudiya ngayon ng ISPDEA. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...