BJMP nagkasa ng surprise drug test sa mga opisyal

BJMP nagkasa ng surprise drug test sa mga opisyal

January 9, 2023 @ 6:25 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng surprise drug test ang BJMP sa mga matataas na opisyal at tauhan nito bilang pagsuporta sa kampanya laban sa iligal na droga ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Benjamin Abalos Jr.,. kaninang umaga, Enero 9 sa National Headquarters.

Ipinag-utos ni BJMP chief Director Allan Iral ang pagsasagawa ng drug testing pagkatapos mismo ng flag-raising ceremony na ginanap sa Main Conference Room ng BJMP-NHQ.

“The surprise drug test is part of our support to the call of SILG Abalos to cleanse our rank from any involvement in illegal drugs, and to exemplify professionalism and discipline among our personnel,” pahayag ni Iral.

May kabuuang 467 tauhan ang sumailalim sa drug testing na pinangangasiwaan ng Directorate for Health Service ng BJMP-NHQ.

“Let this be a validation of our firm stance and commitment to eradicate not only corruption but also illegal drugs in our facilities,” saad pa ng hepe ng BJMP

Habang negatibo ang resulta ng surpresang drug test, pinaalalahanan ni Jail Director Iral ang mga matataas na opisyal na hindi magdadalawang isip ang Jail Bureau sa pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga mapapatunayang sangkot sa illegal drug trade.

“We are not putting limits on what we can accomplish especially in the fight against drugs. We will not tolerate any proven wrongdoing even if it means dismissing from service our own officers,” giit pa ni Iral. Jan Sinocruz