BJMP personnel, QCPD police sumailalim sa cross-training

BJMP personnel, QCPD police sumailalim sa cross-training

December 13, 2022 @ 1:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sumailalim ang sampung Quezon City Jail Male Dorm BJMP Personnel sa ilalim ng pamumuno ni QC Jail Male Dorm (QCJ MD) Warden JSupt Michelle Ng Bonto, sa cross- training kasama ang 36 QCPD Police personnel mula sa TMRU Stations 1-16 sa pangunguna ni PBGEN Nicolas Torre III, QCPD Director, sa demonstrasyon sa Camp Karingal sa Quezon City nitong Martes.

Nilalayon ng SMART Training o Special Motorcycle Armed Response Team (SMART) training na palakasin ang kapabilidad ng QCPD police, TMRU personnel at ng QCJ Male Dorm BJMP personnel sa paggamit ng motorsiklo sa Lead Escort Vehicle sa pag-secure sa Persons under Police Custody (PUPC) na nakaditine sa mga presinto at Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa BJMP. Danny Querubin