BJMP personnel sumugod sa mga eskwelahan

BJMP personnel sumugod sa mga eskwelahan

August 14, 2022 @ 1:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinusuportahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Brigada Eskwela 2022 na may malawakang clean-up drive at volunteer works sa mga paaralan sa buong bansa.

Sinabi ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral na pinakilos na ng Jail Bureau ang kanilang mga tauhan para tumulong sa pagkukumpuni ng paaralan, mga aktibidad sa paglilinis, at iba pang paghahanda para sa pagbubukas ng paaralan sa Agosto 22, 2022.

“Our personnel volunteered their time including a number of school materials in support to our educator’s efforts to create a more conducive learning environment for students amid the pandemic,” saad ni Iral.

Taun-taon, ang BJMP ay palaging sumusuporta sa ahensya ng Department of Education (DepEd), lalo na sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela.

“We are one with the Department of Education in this annual advocacy since we are also a beneficiary of the Alternative Learning System program wherein thousands of persons deprived of liberty under our care have completed their basic education,” pahayag pa ng BJMP chief

Noong Agosto 11, 2022, nanawagan si Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Benhur Abalos sa buong organisasyon ng DILG, na kinabibilangan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, BJMP, at lahat ng local government units na tumulong sa taunang aktibidad upang ihanda ang mga paaralan para sa pagsisimula ng taon ng pag-aaral.

“Magtulungan tayo, tulungan natin ang DepEd. Ito ay kabilang sa mga agarang bagay na kailangan nating gawin sa ngayon… Ang ating enerhiya ay dapat nakatutok sa pagbawi,” ayon kay SILG Abalos.

Ang Brigada Eskwela ngayong taon, na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” ay nagsimula pa nitong Agosto 1 at magtatapos sa Agosto 26, 2022 sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Jan Sinocruz