BL actor Yam Mercado, muntik nang makain ang ‘bird’ ni Elijah Filamor!

BL actor Yam Mercado, muntik nang makain ang ‘bird’ ni Elijah Filamor!

June 2, 2022 @ 4:57 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Natatawa pero pilit na ikinuwento ng aktor na si Yam Mercado kung paanong muntik nang pumasok sa kanyang bibig ang ari ng kanyang co-star na si Elijah Filamor sa Vivamax exclusive Boy Love (BL) series na Love at the End of the World.

Sa digital mediacon ng nasabing exclusive series ay sinabi natanong si Yam kung ano ang eksenang hindi niya makakalimutan at tumatak sa kanyang isipan.

“May love scene kasi kami ni Elijah and ang mangyayari sa eksena, e, io-oral sex ko siya.

“Ito kasing si Elijah, masyadong matapang and hindi siya nag-plaster ng kanyang ‘pototoy’. ‘Yung iba kasing aktor, e, talagang nagpaplaster.

“So ang nangyari, nu’ng kinunan na ang aking eksena, dapat acting lang talaga pero ang nangyari, muntik nang pumasok sa bibig ko ang pototoy ni Elijah,” sabi ni Yam na sinundan niya ng tawa.

Dedma lang naman si Elijah nang kinuha ang kanyang reaksyon.

Ang Love at the End of the World ay streaming na sa Vivamax, directed by Shandi Bacolod. JP Ignacio