Black sand mining sinisilip na motibo sa Aparri VM slay

Black sand mining sinisilip na motibo sa Aparri VM slay

March 14, 2023 @ 2:18 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng may koneksyon sa lokal na alitan ukol sa black sand mining ang motibo sa pagpatayo kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin na si Alameda ay kilala bilang vocal critic ng black sand mining operations sa lalawigan.

“That’s one of the motive na lumalabas ngayon because business rivalry in the sense na meron kasing ongoing na yung black sand mining. Yun yung matagal na issue sa Cagayan na kung saan itong mga black sand na ito ay binibenta sa mga Chinese,”  ani Azurin.

“So ito yung isa sa nakikita natin na anggulo because Vice Mayor Alameda had been against sa negosyo na yun na ninegosyo sa ibang mga kababayan niya sa Cagayan,” dagdag pa ng PNP Chief.

Sa ngayon ay tinutugis na ng pulisya ang ilang lead at persons of interest sa kaso.

“We are just trying to solidify yung mga evidence para tumayo sa korte and that is also part of the message of Sec. Remulla this morning na kung saan the PNP and the DOJ should work as partner to ensure that all cases that are ang iniimbestigahan ng PNP ay dapat tumayo sa korte at ang conviction rate ng PNP, lahat ng imbestigasyon na isinasagawa ng PNP ay tataas,” ani Azurin. RNT