BlackPink ipinasilip ang karanasan bago sumikat

BlackPink ipinasilip ang karanasan bago sumikat

October 16, 2020 @ 2:08 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

South Korea – Inilabas ng K-Pop girl group na BlackPink ang isang dokumentaryo sa Netflix tungkol sa kanilang buhay bago maging pinakasikat na banda sa mundo nitong Oktubre 14.

Sa pamagat nitong “Blackpink: Light Up the Sky” ipinakita ng bawat miyembro ang kanilang personal na kwento pati na ang pagsasanay nila bago matamasa ang kasikatan.

Bago ito ipalabas, nagkaroon din ng global press conference ang grupo kasama ang direktor nito na si Caroline Suh.

“It felt new even for us to face our young selves. We’ve only shown the flashy side of us since our debut so with the documentary we wanted to reveal the more ordinary side of us,” saad ni Jennie.

“We’ve been wondering how we should reveal our stories, and in meeting director Suh, the work progressed smoothly.”

Lahad ni Suh na nais niyang ipakita kung paano nagsimula ang grupo at kung anu-ano ang kanilang tinahak bago maging miyembro ng BlackPink.

“It’s an honor to have our names alongside such global stars. We’ve unreservedly shared how the four of us have worked hard together until now,” ayon kay Jisoo.

Ang BlackPink ang kauna-unahang K-Pop act na nagkaroon ng documentary sa Netflix at ika-apat na artist sa buong mundo kasama sina Lady Gaga, Beyonce at Taylor Swift. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...