BLACKPINK, itinanghal na UN sustainable development goal advocate!

BLACKPINK, itinanghal na UN sustainable development goal advocate!

September 20, 2021 @ 11:05 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Mapapa-Blackpink in your area na rin ang hit Kpop girl group na Blackpink matapos silang itanghal na bagong sustainable development goals advocate ng United Nations!

Sa isang tweet, sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na personal niyan pinili ang Blackpink na maging bahagi ng UN family.

“Welcome #BLACKPINK to the UN family.”

Matatandaang naging bahagi rin ng UN bilang advocate sa Climate Change Conference (COP26) ang grupo nitong unang bahagi ng 2021.

Sa isang trusted Kpop source, inireveal naman ng YG Entertainment na kauna-unahan ang Blackpink na Asian artists na pinili para maging SDG advocate ng UN. RNT


  •  
  •  
  •