BlackPink may pasabog sa ika-5 anibersaryo

BlackPink may pasabog sa ika-5 anibersaryo

July 15, 2021 @ 3:16 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Naglabas na ang grupong BlackPink ng trailer ng “The Movie” para sa kanilang ikalimang anibersaryo nitong Miyerkoles, Hulyo 14.

Ang nasabing “The Movie” ay naglalaman ng ilang dokumentaryo sa likod ng pag-eensayo at ilang mga aktibidad ng grupo.

Ilan sa mga video na mapapanood rito ang kanilang performance noong 2018 sa In your area world tour.

Nagsimula ang grupong Blackpink noong Agosto 2016 na kinabibilangan nina Jennie, Jisoo, Rosé, at Lisa na talaga namang minahal ng marami kung kaya’t nakatanggap ang kanilang grupo ng iba’t ibang parangal.

Matatandaan din noong Oktubre 2020 ng ilabas ng grupo ang “The Album.”

Kasabay nito ay napabilang rin ang grupo sa mga nominado sa BillBoard Music Award sa Top social Artists kasama ang BTS, SB19, Seventeen at ang American pop star na si Ariana Grande.

Mabibili na sa Film website ang ticket ng nasabing “The Movie” na ipapalabas sa darating na Agosto 14 at 18. Ten Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •