BLACKPINK nag-anunsyo ng virtual in-game concert!

BLACKPINK nag-anunsyo ng virtual in-game concert!

July 12, 2022 @ 6:55 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Mayroon nang aabangan ang BLINKS, ang mga fans ng world hit Kpop girl group na BLACKPINK!

Ito ay ang nalalapit na virtual in-game concert ng grupo in collaboration sa PUBG Mobile.

Ang ‘BLACKPINK x PUBG Mobile 2022 In-Game Concert: The Virtual” ay gaganapin mula July 22-23 at July 29-30 sa North at South America.

Maliban dito, magaganap naman mula July 23-24 at July 30-31 ang naturang virtual in-game concert sa natitirang mga bansa sa mundo.

Sa kaugnay na balita, inilabas naman na sa official PUBG Mobile Twitter account ang pamamaraan kung paano makakuha ng libreng concert ticket sa pamamagitan rin ng pag download ng naturang laro. RNT/JGC