BLACKPINK, nakamit ang highest-charting K-pop girl group sa Billboard’s Hot 100

BLACKPINK, nakamit ang highest-charting K-pop girl group sa Billboard’s Hot 100

June 26, 2018 @ 1:47 PM 4 years ago


Ang south Korean idol group na Blackpink ay hindi pa tapos gumawa ng record dahil ngayon ay isa na sila sa highest-charting K-pop girl group na nakapasok sa Billboard 100.

Ang latest single ng Korean girl group na “DDU-DU DDU-DU” ay pumasok sa listahan bilang top 55 sa ranking.

Ayon sa K-Pop Herald report, ang single nila na “Square Up” ay humakot ng 12.4 million United States streams at 7,000 downloads sold sa tracking week na nagtapos noong June 21 base sa statistics mula Nielsen Music.

Dahil dito naging number 39 entry ang grupo sa Streaming Songs tally kung saan sila ang kauna-unahang K-pop girl group na makapasok sa chart.

Ito ang kauna-unahan na pagkakataon na makapasok ang isang female K-pop act sa Hot 100 chart matapos ang ilabas noong 2009 ang English-version ng “Nobody” ng Wonder Girls’ na nakakuha ng number 76 kung saan nilagpasan pa ang record ng 2NE1 na “Crush” na nasa number 61.

Sinabi rin sa The U.S. magazine Billboard na ang grupo ay naging number 1 rin bilang Billboard‘s Emerging Artists chart kung saan sila ang pinaka-unang all-female K-pop act na namayagpag at pangalawa sa K-pop group sa kabuuan na magunguna sa listahan kasunod ng NCT ng SM Entertainment noong May.

Ang “Square Up” ng grupo ay nakatungtong ng no. 40 sa Billboard 200 habang anim naman sa kanilang singles kabilang ang “Forever Young”, “As If It’s Your Last” at “Boombayah” ay nakapasok sa World Digital Song Sales chart ng magazine. (Remate News Team)