Blackpink, namayagpag sa Pop Star Power ranking ng Bloomberg

Blackpink, namayagpag sa Pop Star Power ranking ng Bloomberg

November 12, 2020 @ 10:10 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

New York, USA – Ang all-girl K-pop group na Blackpink ang may pinakamatinding pop star power sa buong mundo, ayon sa Bloomberg international news agency.

Inilabas ng Bloomberg ang kanilang Pop Star Power ranking para sa buwan ng Oktubre at ang nakaw-eksenang headline ng report ay, “BLACKPINK Is the Biggest Pop Band In the World, A First For South Korea!”

Sa nasabing ranking, tinalo ng Blackpink ang Pop Smoke, sina Cardi B, Justin Bieber, at iba pang napakasikat din na recording artists sa mundo.

Ipinahayag din ng Bloomberg na ang Blackpink na ang “first ever musical artist from Asia and South Korea to top the Bloomberg list.”

Ayon sa Bloomberg, ang monthly ranking system nila ay may anim na kategorya ng pansukat sa kasikatan ng mga pop star. Kabilang sa mga kategoryang ito ay live gross ticket sales, album sales, Spotify streams, YouTube views, at Instagram interactions.

Dagdag na lahad pa ng Bloomberg: “Blackpink has been the most popular act on YouTube for the past couple of months, generating more than 1 billion views in October alone.”

Ayon naman sa isang ulat sa website na Allkpop.com: “Bloomberg praised Blackpink’s feat of achieving a level of global popularity unprecedented in the history of music’ alongside boy band BTS, considering the fact that Asian countries had only recently started to get recognition from the international audience, unlike English speaking musicians.”

Dagdag pa ng ulat ng Allkpop mula sa pahayag ng Bloomberg: “While their album failed to debut at no. 1 in the U.S., it was still one of the 10 best-sellers in the country for the month.”

Nu’ng Oktubre 2 lang inilunsad ng Blackpink ang first full-length album nila na may simpleng titulong ‘The Album.’

Agad pumalo sa no. 2 sa Billboard’s 200 albums chart at British Official Albums Chart ang album. Nanatili ‘yon sa dalawang charts nang limang magkasunod na linggo.

Samantala, may ilang entertainment writers sa international websites na nagsasabing ang Blankpink na sina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa
ang bagong Spice Girls (mula sa United Kingdom) na nu’ng Dekada 90 ay namayani sa kasikatan sa buong mundo. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...