Blackpink pinangalanan ang ika-5 miyembro; “Light Up the Sky” mapapanuod na sa Netflix

Blackpink pinangalanan ang ika-5 miyembro; “Light Up the Sky” mapapanuod na sa Netflix

October 14, 2020 @ 2:10 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

South Korea – Nilantad ng mga miyembro ng sikat na K-Pop girl group na Blackpink ang ikalima nitong miyembro.

Ito ay walang iba kung si Teddy Park, producer ng YG Entertainment at siyang nasa likod ng mga kanta ng grupo.

“I think Teddy also knows us individually very well. He listens to what we have to say to each other and he is able to reflect that into the direction of our music,” sabi ni Jisoo sa  isang media conference para sa Netflix Documentary ng grupo na “Light Up the Sky”.

“Teddy is definitely our fifth member,” dagdag nito.

Naging kasama ng grupo si Teddy mula ng magsimula ang career ng Blackpink nitong 2016.

Siya ay dating miyembro ng 1TYM, isang hip-hop act na nasa ilalim din ng YG Entertaiment na nagbuo noong 90s bago maging in-house producer ng nasabing entertainment label.

Maliban sa Blackpink, gumawa rin ito ng kanta para sa Big Bang, 2NE1, Psy, at kay Sunmi.

Nitong 2016, si Teddy ay isa sa mga nagtatag ng The Black Label kung saan kabilang sina Jeon Somi at hip-hop artist na si Zion.T.

Mapapanuod na ang documentary ng Blackpink ngayon araw sa Netflix. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...