BLACKPINK Rose, kabog sa latest pictorial!

BLACKPINK Rose, kabog sa latest pictorial!

April 3, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


SEOUL, South Korea – Talaga namang namamayagpag pa rin sa kani-kaniyang engagements ang mga miyembro ng sikat na Kpop group na BLACKPINK!

Patunay na rito ang latest kabog pictorial ng BLACKPINK member na si Rose.

Sa latest fashion pictorial kasi, makikita si Rose na elegantly beautiful suot ng kanyang retro-tweed at denim jacket kasama rin ang two-piece suit piece.

Lalong lumitaw ang pagiging elegante nito sa naturang kombinasyon ng kanyang suot.

Maliban sa naunang kasuotan, kitang-kita rin ang pagiging confident niya with matching ‘seductive gaze’ na bumalanse sa kanyang suot na pin-stripe jacket and skirt!

Proud na proud naman ang fans sa naturang pictorial at excited na rin at the same time sa napapabalitang comeback ng grupo ngayong taon. RNT/JGC