Blackpink Rosé nagpasiklab sa 2021 Met Gala sa NY!

Blackpink Rosé nagpasiklab sa 2021 Met Gala sa NY!

September 14, 2021 @ 4:58 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

NEW YORK – Kinabog ng sikat na K-pop group member na si Rosé ng Blackpink ang 2021 Met Gala na ginanap sa New York!

Sa inilabas na video clip ng Vogue Magazine, makikita si Rosé na suot ang black mini dress na kapares naman an stiletto heels niya.

Agaw-pansin para sa mga spectators ang pagpasok ng Blackpink member habang naglalakad sa red-carpet ng Met Gala.

Kasama niya si Anthony Vaccarello, ang creative director naman ng luxury brand na Yves Saint Laurent.

Kasama ni Rosé ay ang iba pang sikat rin na Western celebrities at artists na sina Olivia Rodrigo, Kendall Jenner, Lil Nas X, Rita Ora, Justin Bieber, Billie Eillish at iba pa!

Tema ng Met Gala ngayong taon ay “In America: A Lexicon of Fashion.”

Maliban sa pagiging miyembro ng Blackpink, kilala rin si Rosé sa kanyang mga ini-release na single na ‘On the Ground’ at ‘Gone’. RNT


  •  
  •  
  •