Blanket confidence ni PDU30 ‘di kailangan; Mga korap panagutin

Blanket confidence ni PDU30 ‘di kailangan; Mga korap panagutin

August 5, 2020 @ 4:38 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kailangan nang kumilos si Pangulong Duterte upang magsagawa ng drastikong hakbang upang malutas ang malawakang korapsiyon at mismanagement sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sa virtual press conference, sinabi ni Lacson na hindi na kailangan ni Pangulong Duterte na magtakda ng “blanket’ trust and confidence sa kanyang mga opisyal dahil nadidiskaril ang pondo ng gobyerno.

Nitong Martes, iginisa ng Senate Committee of the Whole ang mga opisyal ng PhilHealth sa pamumuno ni president at CEO Ricardo Morales hinggil sa kaso ng overpricing at mismanagement sa ahensiya kaya nawalan parang bula ang mahigit P15 bilyon sa korapsiyon.

“The fact there’s corruption going on and continues to go on sa PhilHealth e dapat meron talagang drastic na step na gawin ang Malacañang. Di na pwede yung trust and confidence na blanket,” ayon kay Lacson sa isang online interview nitong Miyerkoles.

Tinutukoy ni Lacson ang patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa ng Pangulo kay Morales at Health Secretary Francisco Duque III, sa kabila nang sunod-sunod na kapalpakan sa Department of Health (DOH) hinggil sa paglaban sa corona virus 2019 (COVID-19)

“The Senate can only do so much. We can conduct hearings, we can let you know, the public know, what is transpiring or nangyayari sa  [what is happening in] PhilHealth,” ayon kay Lacson.

Ayon kay Lacson, tanging Executive Department lamang ang may malawak ng resources at awtoridad na magsagawa ng full-blown investigation hinggil sa akusayon ng katiwalian sa PhilHealth.

Ipinaliwanag pa niya na tanging “recommendatory” lamang ang magiging committee report mula sa Senado.

“Transmit namin sa Ombudsman o kaya sa Department of Justice yung aming findings sa aming inquiry. Hanggang doon lang yun,” aniya.

 “So mas malawak yung kanilang kakayahan para magsagawa o magkaroon ng mas conclusice na findings tungkol dito,” giit pa ng senador. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...