‘Blood moon’ nasaksihan sa iba’t ibang panig ng mundo

‘Blood moon’ nasaksihan sa iba’t ibang panig ng mundo

July 28, 2018 @ 10:06 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Sa mga taga-Visayas at Mindanao lang nagpakita ang tinaguriang ‘Blood Moon’ eclipse dahil sa maulap at maulang panahon sa Luzon.

Alas-4:19 ng umaga na buong-buong naging visible ang ‘century’s longest eclipse’ na tumagal ng isang oras at 43 minuto at nasaksihan din sa Europe, Middle East, Africa, Australia, South America at Asya.

Inabangan ito sa iba’t ibang panig ng mundo, mula sa mga astronomer hanggang sa mga simpleng mamamayan na gustong masaksihan ang kakaibang phenomenon.

Samantala, bukod sa nasabing blood moon ay masasaksihan din mamayang gabi ang Southern Delta Aquarids meteor shower na magsisimula mula Hulyo 28 hanggang 31 kung saan hindi bababa sa 10 bulalakaw ang makikita kada oras. (Remate News Team)