Blue Ribbon may mga bagong alituntunin-Tolentino

Blue Ribbon may mga bagong alituntunin-Tolentino

July 8, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain ng bagong rules si Senador Francis Tolentino sa isasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee na kanyang pamumunuan taliwas sa mga nakarang alituntunin.

Sa pahayag, sinabi ni Tolentino, chairman ng naturang komite na nakatakda siyang maghain ng panibagong rules sa pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo 25, 2022.

“Ngayon po, ang ginagawa natin ay mayroon tayong mga babaguhin sa rules para mas maging responsive ang Blue Ribbon Committee at mapangalagaan ang karapatan ng mga iniimbestigahan,” ayon kay Tolentino.

Taliwas sa nakaraang sistema ng imbestigasyon ng Senado, gusto ni Tolentino na magsagawa muna ng “preliminary determination” at suriin kung may probable cause sa isyu na ipinalulutang ng kasamahaan sa komite.

“Magkakaroon po tayo ng preliminary determination. Hindi ‘yung pagka-file ay salang agad…So kaunting members ng Blue Ribbon, sila muna ang magde-determine,” ayon kay Tolentino.

Aniya, nakatakdang maglagay ang komite sa 19th Congress ng “referral to prosecute provinsion sa Blue Ribbon panel rules.

Iginiit pa ni Tolentino na nakatakda din siyang maghain ng bagong patakaran sa imbestigasyon na may takdang panahgon, paglilinaw ang pagkakaiba ng commitment order at detentionorder at lumikha ng permanenteng Blue Ribbon Committee General Counsel.

Naunang inihayag ni Senador Juan Miguel Zubiri, inaasahang magiging susunod na Senate president na si Tolentino ang napili ng supermajority na pangunahan ang Blue Ribbon Committee. Ernie Reyes