Blue ribbon report sa DepEd laptop deal ilalabas ngayong Disyembre

Blue ribbon report sa DepEd laptop deal ilalabas ngayong Disyembre

December 2, 2022 @ 11:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Senate blue ribbon committee na ilalabas na bago ang Christmas break ang report sa imbestigasyon sa P2.4 billion laptop procurement deal ng Department of Education, ani Senator Francis Tolentino.

“Siguro po before Christmas break we’ll have the committee report and as we have done before, we will release the dispositive portion in advance,” ani Tolentino, chairman ng Senate blue ribbon panel.

“Nag-aalangan nga ako kung ilalabas ngayong Kapaskuhan o hindi e pero kung ilalabas mo naman sa January baka sabihin bagong taon na lang nilabas. So dahil issue ito ng 2022, ilabas na natin ngayong 2022,” aniya pa.

Sa ngayon, sinabi ni Tolentino na natapos na ng komite ang 95% ng ulat. RNT