Blue Ribbon report sa isyu ng Pharmally kulang pa ng pirma; ‘di pa opisyal

Blue Ribbon report sa isyu ng Pharmally kulang pa ng pirma; ‘di pa opisyal

February 5, 2022 @ 4:54 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kulang pa ng tatlong pirma ang Blue Ribbon report sa isyu ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kung kaya’t hindi pa ito opisyal.

Sa datos, dapat ay mayroon itong 11 na pirma sa 20-member committee na pinangungunahan ni Gordon.

Bukod kay Gordon, kasama rin sa mga lumagda na rito sina Senate Minority Leader Franklin M. Drilon at Senators Panfilo M. Lacson, Emmanuel D. Pacquiao, Leila de Lima, Aquilino Pimentel III, Francis Pangilinan at Risa Hontiveros.

Kanya-kanya namang pahayag ang mga senador ukol dito.

Naka-recess din ang Senado at Kamara noong Huwebes para sa months-long political campaign leading ng May 2002 elections.

Babalik ang plenary session sa Mayo 23. RNT/FGDC