BLUE TICK O TWITTER BLUE PUNO NG KAPEKEHAN

BLUE TICK O TWITTER BLUE PUNO NG KAPEKEHAN

November 14, 2022 @ 11:40 AM 3 weeks ago


MAG-INGAT sa Blue Tick o Twitter Blue

Lumalabas ito na puno ng kapekehan at fake news.

‘Yun bang = == akala mo totoo ang kausap mo, ‘yun pala, peke pala.

Akala mo totoo ang balita, ‘yun pala, peknews kung tawagin.

Nagaganap ito sa United States, ayon sa mga ulat, dahil sa impersonation

Sa impersonation, may nga politiko, artista, negosyante at iba pang mga sikat na naghahayag o nagsasalita ukol sa anomang bagay.

Ngunit hindi sila totoo na sila nga.

Dahil mga sikat sila, mapaniniwala ka nila.

KAPAHAMAKAN ANG AABUTIN MO

Kung naniwala ka sa mga impersonator, diyan ka na magkandaletse-letse sa iyong gagawin, ibabalita sa iba at iba pa.

Paano kung pekeng balita o fake news o kasinungalingan ang sine-share mo sa iba sa pag-aakalang nagmula ang mga ito sa kilala, totoo at mapagkakatiwalaang tao o kompanya?

Paano kung sundan at isagawa mo ang nakuha mong impormasyon mula sa taong sa akala mo ay nagsasabi ng totoo ngunit peke pala sa kalaunan?

Paano kung si Pang. Bongbong Marcos ay nagmukhang taliwas ang mga sinasabi at ginagawa niya ngayon sa mga salita at pangako niya noon para sa kabutihan ng sambayanang Pinoy?

Aba, hindi lang si Pang. Bongbong ang masisira kundi pati ang mga naniniwala at sumusunod sa kanya, kasama ang sambayanang Pinoy.

Kung pekeng balita ang ise-share mo o pekeng instruksyon sa gawain ang iyong gagawin din mula sa mga impersonator, aba, kapahamakan ang iyong aabutin.

Maaari kang mademanda sa cyber libel at magmukhang terorista, druglord at iba pa kung kinopya ang iyong larawan na terorista, druglord at iba pa.

Pwede ka ring maging pari o satanas, depende kung ano ang gawin sa iyo ng hacker sa Twitter sa iyong katauhan.

VERIFIED ACCOUNT

Ang Blue Tick o Twitter Blue ay programa mismo ni Ellon Musk na ibibigay sa iyo ng Twitter kung mag-subscribe ka sa nasabing social media.

Halagang $8 ang babayaran mo buwan-buwan.

Dito, makikita ng iba na totoo kang tao, hindi robot at hindi ka scammer.

Kung may makipag-ugnayan sa iyo, makita mo ring totoong tao sila, hindi robot at hindi scammer.

Bukod dito, makikita mo rin nang buo ang mga impormasyon o advertisement na lumalabas sa Twitter.

Sinasabing bentahe mo ito dahil walang kapekehan na magaganap sa iyo bilang Blue Tick o Twitter Blue subscriber.

Kung may-mag-iiskam sa iyo, malalaman mo ang totoo at agad mong maprotektahan ang iyong sarili o hindi magamit sa scam ang iyong account.

Sa ibang salita, sinasabi ng Twitter na protektado ka sa kanila at hindi ka mapapahamak at hindi ka rin makapagpahamak sa iba.

Kung wala kang Blue Tick o Twitter Blue at gusto mo libre ang Twitter Account mo, bahala ka na sa buhay mo kung mapahamak ka.

Eh paano ngayon na puno ng impersonation o pekeng tao ang Twitter?