Blythe, aminadong nag-first move kay Ricci!

Blythe, aminadong nag-first move kay Ricci!

October 6, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Proud na inamin Andrea Brilliantes na siya ang nag-first move bago sila nagkaroon ng relasyon ni Ricci Rivero.

The couple discussed kung paano nagsimula ang relasyon nila sa vlog ni Blythe entitled ‘How We Met Plus Q&A With My Boyfriend”.

Si Ricci mismo ang nagbuking sa girlfriend pero Andrea confirmed it proudly matapos mag-isip ng ilang segundo.

Kwento pa nga ni Blythe, si Ricci talaga ang unang nag-message sa kanya pero walang conversation na naganap dahil dinedma niya ang basketball player.

Pero nabuhay ang spark sa dalawa nang malaman ni Andrea na mahilig din pala si Rivero sa astrology kagaya niya kaya napa-comment ito sa post ng pangalawa at doon na nagpatuloy ang love story nila.

Naks! Buti na lang nag-comment si Blythe sa post ni Ricci.

Aminado naman ang young actress na masaya siya sa relationship niya ngayon na alam ng publiko unlike before.

It was in April when the two officially became a couple.

Stay strong, guys! Paula Jonabelle Ignacio