BM REMULLA ARANGKADA SA KAMPANYA

BM REMULLA ARANGKADA SA KAMPANYA

February 23, 2023 @ 1:42 PM 1 month ago


ILANG araw bago ang ‘Special Election’ sa 7th District of Cavite sa Pebrero 25, 2023 ay patuloy ang pag-arangkada ng kampanya ng anak ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla at pamangkin ni Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla na si Board Member Crispin Diego Diaz Remulla o mas kilala sa tawag na Ping Remulla.

Saan mang barangay o lugar magtungo sina Remulla at campaign Ang team nito ay dinudumog ng mga mamamayan lalo ng mga kabataan. Kasi nga, ang kandidatong si Board Ping ay mabait, matalino at magandang lalaki.
Kanyang isusulong kapag nakaupo na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang maipaglaban ang sahod ng mga Kabitenyo na madagdagan at maihalintulad na sa Metro Manila rate dahil ayon sa kanya halos ang gastusin at presyo ng mga bayarin at bilihin sa lalawigan ng Cavite ay hindi naman nalalayo o kapantay na rin ng sa Metro Manila kaya makatwiran naman aniya na maisulong ng maitaas ang sweldo sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa isa sa mga lider at campaign manager ng Team Remulla, natapos na nilang makampanya ang mga barangay sa tatlong bayan at isang lungsod na nasa ilalim ng 7th District of Cavite na Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City ngunit patuloy pa rin daw silang mag-iikot at magbabalik sa bawat lugar upang makapangampanya pa rin sa constituents bago matapos ang campaign period ng 11:59 ng gabi ng Pebrero 23, 2023.

Panatag na loob ng libu-libong tagasuporta ni Remulla na panalo na ito sa Special Election dahil marami rin itong ginagawa at maipagpapatuloy niya ang posisyong nabakante ng kanyang mahusay na Ama dahil sa batayan o pamantayan ng mahusay na pamumunong “Mula sa Bayan, Para sa Bayan.”

Samantala, lagi namang nakasuporta kay Remulla ang kanyang mga kapatid na sina Sinta, ate n’ya, at Abeng, bunso, na sumasama sa kampanya.