Boat trips sa Zamboanga, kanselado; 199 stranded

Boat trips sa Zamboanga, kanselado; 199 stranded

August 3, 2018 @ 9:32 AM 4 years ago


 

Zamboanga City – Kinansela ng Philippine Coast Guard ngayong Biyernes (August 3) ang lahat ng byahe papunta at galing sa Zamboanga City dahil sa masamang lagay ng panahon.

Kinasela ito dakong alas-5 ng umaga.

Inabisuhan din ang mga mangingisda na ‘wag munang pumalaot dahil sa malakas na alon, ayon kay Coast Guard Zamboanga Station Chief Lieutenant Commander Noriel Ramos.

Dahil dito, 199 na pasahero ang stranded sa pier ngayong umaga, dagdag pa ni Ramos.

Ayon sa PAGASA, walang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ngunit ang southwest monsoon o habagat ay magdadala ng kalat kalat na pag-ulan sa ibang bahagi ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga peninsula at Autonomous Region in Muslim Mindanao. Remate News Team