BOC lumampas sa 2022 target collection

BOC lumampas sa 2022 target collection

November 15, 2022 @ 12:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi pa man natatapos ang taon 2022, nalampasan na ng Bureau of Customs (BOC) ang taunang revenue collection target nito na P721.52 bilyon.

Ayon sa BOC, umabot na sa kabuuang P745.50 bilyon ang kanilang koleksyon nitong Nobyembre 11 kung saan tumaas ng P23.98 bilyon o may katumbas na 3.27 porsyento na pagtaas.

Batay sa preliminary report, lahat ng 17 collection districts ng Bureau ay umabot din sa kani-kanilang collection target, na nakakuha ng surplus na 16.8% o P103.29 bilyon noong Oktubre 31.

“This year’s revenue collection performance historically marks the highest revenue collection of the agency to date,” saad ng BOC.

Giit ng BOC, nakamit ang nasabing tagumpay sa pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng kanyang mga prayoridad na programa upang masugpo ang smuggling at korapsyon, i-optimize ang koleksyon ng kita, at gawing digital at pahusayin ang customs operations base na din sa 8-Point Socioeconomic Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinasalamatan naman ni Ruiz ang mga kawani ng BOC dahil sa kanilang patuloy na pagsusumikap at tiniyak pa ng opisyal na susuportahan iya ang mga ito. JAY Reyes