BOC nagbabala vs dumaraming biktima ng love scam

BOC nagbabala vs dumaraming biktima ng love scam

July 9, 2020 @ 8:00 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Customs (BoC) sa publiko laban sa “love scam” sa gitna ng dumaraming biktima ng naturang scheme sa kasagsagan ng quarantine period.

Sa ulat, nakapagtala ang BOC ng higit 100 kaso ng love scam sa loob ng tatlong buwan buhat ipatupad ang lockdown.

Giit ng BOC, sinasamantala ng mga suspek ang boredom at pangangailangan ng mga tao kung saan kukunin nila ang tiwala sa pamamagitan ng social media.

“Targetting is through the social media accounts ng mga kababayan natin, nagko-conduct sila ng some sort of a background check doon sa tao, sa mga activities niya. Kaya minsan madali nilang mapahulog ‘yung loob kasi nakikita nila kung ano ‘yung mga gusto, ano ‘yung madalas i-post,” lahad ni Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla.

Makaraang makuha ang loob ng biktima at may namamagitang ‘mutual understanding’, magpapadala sila ng mamahaling package o parcel.

Dito ay sasabihin na iniipit ng BOC ang naturang package at kailangang bayaran ng biktima ang tax para makuha ito.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang biktimang nawalan ng P100,000.

“‘Pag kinontak ‘yung biktima, sasabihin na naipit sa amin sa BOC at may kailangang bayaran para mailabas ang kargamento. Ang unusual is that napapapayag silang magbigay at magdeposito sa mga remittance centers,” giit ni Maronilla.

Paalala ng BOC sa publiko, magbayad lamang ng tax sa mga accredited bank o cashier ng customsand at hindi sa remittance centers. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...